Ikinatuwa ng ilang human rights advocates at grupo ng mga abogado ang inilabas na review sa 52 drug war cases na ipinasa ng Philippine National Police – Internal Affair Services (PNP-IAS) at ginawa ng mga panel mula sa Department of Justice (DOJ).
Pero bagama’t mabuti ang naging resulta ay nakulangan ang mga ito sa datos.
Ayon sa Free Legal Assistance Group (FLAG), hindi sapat ang 52 kaso at hindi alinsunod sa obligasyon ng Pilipinas sa ilalim ng International Law.
Para naman kay National Union of People’s Lawyers chairperson Neri Colmenares, mas marami pang insidente ang nangangailangan ng mas malalim na imbestigasyon.
Resulta rin aniya ang inilabas na datos na mayroon talagang pang-aabuso sa kapangyarihan ang mga pulis sa pagsasagawa ng Anti-illegal drugs operations.
Para naman kay Human Rights Watch senior researcher Carlos Conde, malinaw sa resulta ng drug war review na may polisiya ng pagpatay na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Agad naman itong kinontra ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.
Mensahe naman ni PNP Chief Guillermo Eleazar sa kaniyang hanay na gawing leksiyon ito sa pagsasagawa ng operasyon.
Sa ngayon, panawagan ng Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na bigyan sila ng access sa case files para makatulong sila sa imbestigasyon.