Manila, Philippines – Inirerespeto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdedeklara ng embahada ng Estados Unidos at Australia ng travel warning sa Central Visayas.
Ayon kay AFP-Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, obligasyon lamang ng gobyerno ng mga dayuhang bansa na pangalagaan ang kanilang mga mamamayan na bumibisita sa Pilipinas.
Aniya, hindi naman nila masisisi ang Amerika at Australia kung mangamba ang mga ito sa kaligtasan ng kanilang mga mamamayan dahil mayroon namang reliable sources ang mga ito tungkol sa mga banta ng terorismo.
Kaugnay nito, umapela si Arevalo ng kooperasyon ng bawat isa para mapigilan ang mga teroristang grupo na nagbabalak manggulo lalo na ngayong holiday season.
Nation”
Facebook Comments