Inilabas na ulat na ang Pilipinas bilang “war zone in disguise” pinalagan ng Malacañang

Manila, Philippines – Umalma ang Palasyo ng Malacanñang sa report na inilabas ng isang non-government organization sa Estados Unidos na nagsasabi na ang Pilipinas ay isang Warzone in disguise.

Sa report kasi ng Armed Conflict Location and Event Data Project ay nakahanay ang Pilipinas sa mga bansang Syria, Yemen, Afghanistan at Iraq na sinasabing nasa kalagitnaan ng kaguluhan.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, walang matibay na basehan ang naturang report dahil kinuha lamang ang kanilang datos mula sa mga kritiko ng Administrasyong Duterte tulad ng Human rights watch at Amnesty international.


Kasama din aniya dito ang mga media outfits tulad ng Rappler, New York Times at Reuters.

Binigyang diin ni Panelo na mapanlinlanh ang report na ito dahil pinalalabas nito na isa ang Pilipinas sa mga pinakamapanganib na bansa dahil sa kampaniya nito laban sa iligal na droga kung saan maging ang mga inosente ay tinatamaan.

Pero sinabi pa ni Panelo na kung magiging mapanganib man ang Pilipinas, ito ay para sa mga sindikato ng droga, mga drug users, kriminal, mga terorista at mga tiwaling opisyal ng Pamahalaan.

Maituturing din aniya ang Pilipinas na pinakamalayang bansa sa pamamahayag dahil malaya ang lahat na punahin ang administrasyon kahit walang mga basehan.

Facebook Comments