Inilabas na United Nations Human Rights Council Resolution, ikinalugod ng DILG

Wini-welcome ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpasa ng resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na nagpapahayag ng suporta at kooperasyon sa pagsisikap ng bansa na protektahan ang karapatang pantao.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ito ay isang magandang development sa bahagi ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) Advocacy Cluster na pinamumunuan ng DILG.

Ang hakbang na ito ay isang pagkilala sa holistic approach ng pamahalaan laban sa iligal na droga na hindi lamang naka-focus sa supply reduction kung hindi pati sa demand reduction aspect.


Dahil dito, sinabi ng kalihim na ang ginawang hakbang ng UNHRC ay nagpapalakas sa commitment ng kagawaran sa kampanya laban sa illegal drugs habang pinoprotektahan ang karapatang pantao ng mga mamamayan.

Sabi pa ni Año, mas lalo pang bibigyang pansin ng DILG ang community-based drug rehabilitation efforts.

Siniguro pa ng kalihim sa publiko na kahit sa panahon ng COVID-19 pandemic, hindi titigil ang DILG sa pagharap sa problema ng illegal drugs ayon sa systematic analysis ng data mula sa Anti-Illegal Drugs Information System (AIDIS) mula sa iba’t ibang drug agencies.

Facebook Comments