Inilabas na video ni dating Cong. Zaldy Co, walang bigat para sa isang senador

Walang saysay para kay Senate President Pro Tempore Ping Lacson ang video statement ni dating Cong. Zaldy Co, kung saan direkta nitong itinuro sina Pangulong Bongbong Marcos Jr. at dating Speaker Martin Romualdez bilang promotor sa maanomalyang flood control projects.

Hamon ni Lacson kay Co, para mapanindigan ang kanyang sinasabi, na humarap ito sa Senado at panumpaan ang kanyang pahayag.

Mahirap aniyang paniwalaan agad ang sinabi ni Co dahil kuwento lamang ito na maituturing, dahil hindi naman under oath si Co sa kanyang inilabas na video.

Kinukuwestiyon din ni Lacson ang isiniwalat ni Co kung bakit sa bicam ipag-uutos ng Pangulo ang pagsisingit sa pondo gayong puwede namang gawin ito sa National Expenditure Program (NEP).

Nilinaw ni Lacson na hindi niya ipinagtatanggol ang Pangulo, pero alam niya kasi ang proseso ng budget.

Facebook Comments