Inilabas na video ni ex-Cong. Zaldy Co, kailangang pormal na isumite sa DOJ para magamit

Paglilinaw ito ng Department of Justice (DOJ) matapos ang pasabog na video na inilabas ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kaugnay sa isyu ng daang bilyong pisong budget insertions.

Idinawit ni Co si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Budget Secretary Amenah Pangandaman at dating House Speaker Martin Romualdez.

Pero sabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, hindi ito basta-basta magagamit lalo’t walang nakasampang reklamo laban sa mga pinangalanan.

Kailangan din daw na isumite ito bilang bahagi ng ebidensiya, bagay na dadaan din sa mahigpit na pagsusuri.

Facebook Comments