INILABAS | PRRD, naglabas na ng 3 marching orders para maibsan ang tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo

Manila, Philippines – Naglabas na si Pangulong Rodrigo Duterte ng tatlong marching orders para pagaanin at maibsan ang publiko sa tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – una, inutusan na ng pangulo ang Department of Trade and Industry (DTI) na paganahin ang lahat ng Surveillance Teams na higpitan ang pagmo-monitor ng PRESYO ng mga bilihin.

Kabilang na aniya rito ang pag-aresto sa mga magpapataw ng presyo na lagpas sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP).


Ikalawa, sinabi ni Roque – na kinakailangan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) na taasan ang minimum wage.

Ang ikatlong utos ay ang pag-atas sa Department of Energy na maghanap ng mga bansang na maaring bumili ang Pilipinas ng murang langis.

Umapela si Roque sa publiko lalo na sa mga trader na huwag samantalahin ang Train Law lalo at tumataas din ang presyo ng langis sa World Market.

Facebook Comments