Inilatag na floating barrier ng China sa Bajo de Masinloc, inalis na ng PCG

Inalis na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang floating barrier na inilatag ng China papasok sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

 

Isinagawa ng PCG ang operasyon kagabi.

 

Ayon kay PCG Commodore Jay Tarriela, ang pag-aalis sa barrier ay alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos at ng National Task Force for the West Philippine Sea.


 

Ang hakbang na ito aniya ay naaayon sa International Law at sa soberanya ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc.

 

Giit ni Tarriela, mapanganib sa paglalayag ang floating barrier na humaharang sa mga mangingisdang pinoy na makapasok sa lugar na sakop naman ng teritoryo ng Pilipinas.

 

 

Biyernes, September 22 nang madiskubre ng PCG ang 300-metrong haba na floating barrier sa lugar.

Facebook Comments