Inilatag na seguridad sa ASEAN 50th anniversary, pinuri ni PNP Chief

Manila, Philippines – Dahil sa maayos na paglalatag ng seguridad para pagdiriwang ng Association of Southeast Asian Nations 50th Anniversary sa ilang lugar sa bansa.

Nagpaabot ng papuri at pasasalamat si PNP Chief Ronald Bato dela Rosa sa kanyang mga tauhang nakatalaga dito.

Partikular na pinuri at pinasalamatan ni PNP Chief ang ASEAN Special Task force sa pangunguna ni Task Force Commander Police Director Napoleon Taas.


Ayon kay PNP Chief hindi pa man natatatapos ang lahat ng mga aktibidad na may kaugnayan sa nasabing pagpupulong ay kapuna-puna ang maayos na pagta-trabaho ng mga pulis na involved sa operasyon.

Kaya naman masasabi nyang satisfied sya sa ginawang pagta trabaho ng kanyang mga tauhan.

Ang Pilipinas ang host ng taunang serye ng pagpupulong na nilalahukan ng 10 bansa sa timog silang asya at mga dialogue partners sa labas ng rehiyion, bilang chairman ng Association of Southeast Asian Nations para sa taong ito.

Ngayong araw naman magtatapos sa bansa ang pagdiriwang ng ASEAN 50th anniversary.

Facebook Comments