Inilatag na seguridad sa mga ruta ng Traslacion ng Nazareno, inispeksyon

Manila, Philippines – Bilang paghahanda sa nalalapit na Pista ng Poong Itim na Nazareno, ininspeksyon ni NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar ang ruta ng mga dadaanan ng Poong Itim na Nazareno.

Kung maalala taon-taon, nagsasama-sama ang milyon milyong de boto para makalapit at makahalik sa Poon.

Bukod sa iniwagawayway ang panyo tuwing dadaan ang Poon inihahagis din nila ang panyo papunta sa andas at tila himalang nakakabalik sa tunay na may-ari yan ay kahit napakadaming tao sa paligid.


Kanina, bukod sa kalsada nagsagawa pa na areal inspection si Eleazar.

Paliwanag ni Eleazar, mas mainam na makita ang lahat ng anggulo para matiyak ang siguridad ng milyon milyong de boto na makikibahagi sa prosisyon.

Unang ininspeksyon ang Quirino Grandstand kung saan gaganapin ang Eucharist Celebration o misa ng alas dose ng hating gabi at sa umaga naman ay ang tradisyunal na prosisyon ng Itim na Nazareno mula Grandstand pabalik ng simbahan ng Quiapo.

Nabatid na 25 o 26 na kalsada ang dadaanan ng prosisyon pabalik ng simbahan at ito ay tumatagal ng hindi lalayo 22 oras.

Facebook Comments