Inilikas na residente ng Taal Volcano Island, bumabalik pa rin para tingnan ang mga kabuhayan

Bumabalik pa rin ang mga inilikas na residente ng Taal Volcano Island sa kanilang mga bahay para tingnan ang mga naiwang ikinabubuhay.

Ayon kay Batangas Vice Governor Mark Leviste, sinabihan daw sila na hindi naman sila mamamalagi doon kundi babantayan lamang ang mga fish cages.

Sa gabi aniya ay bumabalik na rin ang mga ito sa mga evacuation centers o di kaya ay sa mga kamag-anak nila.


Sa interview ng RMN Manila kay Batangas Governor Hermilando Mandanas sinabi nitong noong nakaraang buwan pa pinalilikas ng mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang mga residente sa loob ng Taal Volcano Island.

Samantala, naghahanda na rin ang bayan ng Agoncillo, Batangas para sa posibleng paglikas ng mga residente sakaling tumaas pa ang aktibidad ng bulkan.

Facebook Comments