Manila, Philippines – Inilipat sa Camp Crame General Hospital ang kontrobersiyal na negosyanteng si Arnold Padilla.
Ayon kay NCRPO Director General Guillermo Eleazar, ibabalik na sana nila sa Camp Bagong Diwa sa Taguig si Padilla para doon ikulong pero bago umalis sa ospital, kinunan ng blood pressure ito at nabatid na tumaas na ang sugar level nito sa 180/120.
Giit naman ni Police Superintendent Luis Jose Bautista, hepe ng Regional Health Service ng NCRPO, walang sakit si Padilla at maliban sa hypertension, ‘cleared’ na siya batay sa findings ng St. Lukes Hospital.
Tiniyak naman ni Eleazar, ililipat rin nila si Padilla sa Camp Bagong Diwa sa Taguig oras na maging maayos na ang kalagayan nito.
Matatandaang nasamsam ng mga pulis sa bahay ni Padilla sa Magallanes Village, Makati City, ang tatlong baril, mga bala at dalawang granada.
Naging viral rin si Padilla at ang kaniyang bodyguard na nakipagsagutan, nanakot at nanakit sa traffic enforcer nang lumagpas ang kanilang kotse sa red light.