Inilipat na provincial bus terminal, nakatakdang buksan ng MMDA bukas

79

Manila, Philippines – Nakatakdang buksan ng Metro ManilaDevelopment Authority (MMDA) bukas (May 5) ang inilipat na provincial busterminal.
 
Nabatid na mula sa Coas­tal Mall sa Parañaque City aylilipat na ang Southwest Interim Provincial Terminal (SWIPT) sa HongKong Sun Plaza sa Pasay City.
 
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos – uunti-untiin muna nilaang paglilipat ng mga bus na galing cavite at batangas hanggang makumpleto naang mga ito sa bago nilang terminal.
 
Sinabi ni Orbos – aabot sa 300 provincial buses na mayhangganang ruta sa Baclaran, Mall of Asia, Mandaluyong at Cubao ang uunahin sapaglilipat sa bagong terminal.
 
Ang mga city buses naman aniya na may ruta sa Baclaran batay sakanilang prangkisa ay papayagan din makadaan sa HK Sun Plaza para sapaglilipat ng bus ng mga pasahero.
   

Facebook Comments