Oriental Mindoro – Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang unang DTI Suking Tindahan sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Ang suking outlet, isang producer to consumer market program ng pamahalaan na pantapat sa tumataas na presyo ng mga pangunahin bilihin.
Layon nito na bigyan ang mga consumers ng access sa makatwirang presyo ng agriculture at manufactured products at basic necessities and prime commodities sa gitna ng tumataas na presyo ng bilihin na epekto ng mabilis na pagtaas ng inflation.
Binuo ng DTI ang producer to consumer market program kung saan ang mga producer at mga manufacturer ay maaaring direktang magbenta ng mga basic and prime commodities at iba pang food commodities sa consumers o mga mamimili, sa pamamagitan ng pag-alis ng middleman sa supply chain, ang mga produkto ay mabibili sa mababa at abot kayang presyo.
Ang program ay bukas sa lahat ng major sari-sari stores, wholesalers at cooperatives, na handang magbenta ng mga basic and prime commodities sa loob o mas mababa pa sa kanilang suggested retail prices o SRP.
Matatandaan ang unang DTI suking outlet ay itinayo sa Barangay Commonwealth sa Quezon City.