INILUNSAD | Malacanang, ibinida ang pagbubukas ng Early Warning Broadcast System sa bansa

Manila, Philippines – Mararanasan na ng Publiko ang mas mapagkakatiwalaang broadcast system na magbibigay ng impormasyon at gagabay sa mamamayan para sa mga emergency situation sa kanilang mga lugar.

Ito ay matapos mailunsad ng Presidential Communications Operation Office sa Davao City ang kauna-unahang Early Warning Broadcast System o EWBS at Data Casting System sa buong Pilipinas.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sa pamamagitan ng Digital Terrestrial Service ay masusubukan na ang EWBS na isang remote activation system para sa radio at sa TV.


Paliwanag ni Andanar, sa pamamagitan nito ay mabibigyan na ng impormasyon ang publiko saan mang panig ng bansa para maghanda sa anomang kalamidad na paparating tulad ng bagyo o anopang emergency situation.
Binigyang diin ni Andanar na ang kahalagahan ng proyekto dahil ang Pilipinas ay madalas dinadaanan ng mga bagyo at kabilang din sa mga bansa na nasa pacific ring of fire kung saan mayroong posibilidad na magkaroon ng malalakas na lindol.

Facebook Comments