Inaasahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na ang inilunsad ng Corporate Farming ay makatutulong sa pagpapababa ng presyuhan sa bigas ngayon sa lalawigan ng Pangasinan.
Matatandaan na saklaw nito ang paggamit ng mga makabagong makinarya tulad ng drone seeding at riding type and walk behind palay transplanter na mas magpapagaan at magpapabilis ng trabaho ng mga magsasaka sa pagsasaka.
Layon din nitong mas mapataas pa ang kita ng magsasaka sa pamamagitan ng mga kagamitang teknolohiya na makababawas na sa sana ay karagdagan pa nilang gagastusin at upang maging daan umano sa inaasahang pagbaba sa presyo ng bigas sa merkado.
Samantala, matatandaan na kailan lamang nang inilunsad ang Provincial Corporate Farming Program na may layong paunlarin ang sektor ng agrikultura sa lalawigan, at mapakinabangan ng mga miyembro mula sa iba’t ibang farmer’s association sa Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments