Inilunsad na COVID-19 online consultation ng Lung Center of the Philippines, umarangkada na

45

Pwede nang kumonsulta ng libre ang mga Pilipinong may katanungan tungkol sa COVID-19 online sa tulong ng Lung Center of the Philippines.

Pumunta lamang sa “Lung Center Covid Ask Force” facebook page at i-message ang inyong tanong tungkol sa sakit.


Mayroong higit sa 200 doktor sa nasabing site para tumulong na masagot ang mga tanong ng publiko online.

Ayon kay Dr. Kim Villanueva, layon ng platform na magbigay ng tamang impormasyon para mabawasan ang pagkabahala ng publiko.

Maaari lang magtanong mula Lunes hanggang Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga, at mula alas-7 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.

Facebook Comments