Makati City – Inilunsad na kahapon ang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng P200 billion worth na Makati Subway System.
Pinangunahan ng mga opisyal ng lungsod ng Makati at ng mga private sector partner nito ang pagpapasinaya sa scale model ng subway.
Ang 10-kilometer subway ay may sampung istasyon na ipupwesto sa mga key destinations sa lungsod gaya ng Ayala Triangle, Makati City Hall, University of Makati at Ospital ng Makati.
Plano ring ikonekta ang Makati subway sa MRT-3, Pasig River ferry system at sa proposed Metro Manila mega subway.
Layon ng proyekto na mabawasan ang traffic congestion sa Makati at maserbisyuhan ang nasa 700,000 commuters araw-araw.
Target na matapos ang subway sa taong 2025.
Facebook Comments