INILUNSAD | Ramadan Trade Fair, isinagawa ng DTI Lanao del Sur

Lanao del Sur – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Marawi Week of Peace,

Inilunsad ng Department of Trade and Industry ang Ramadan Trade Fair sa People’s Park sa Marawi City.

Mahigit sa 35 exhibitor ang nakilahok sa trade fair kung saan iba’t ibang produktong Maranao ang itinitinda.


Ito ay base narin sa pagtutulungan ng DTI sa Provincial government ng Lanao del sur sa pamamagitan ng Technology and Livelihood Development Center at Negosyo Center nito.

Kasunod nito hinihimok ng DTI na suportahan ang trade fair bilang tulong para sa mga apektadong residente ng kaguluhan sa Marawi City.

Ang Ramadan Trade Fair ay magtatagal hanggang June 10, 2018, simula alas diyes ng umaga hanggang sa alas singko ng hapon.

Facebook Comments