Manila, Philippines – Inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang online platform kung saan maaring i-monitor ng publiko ang status ng mga proyektong ipinatutupad sa kanilang lugar.
Ito’y tinatawag na ‘Subay-Bayan’.
Ayon kay DILG Acting Secretary Eduardo Año, ang Subay-Bayan o Subaybayan ang pondo ng bayan ay magbibigay ng firsthand documentation sa publiko sa mga nangyayaring locally funded projects sa buong bansa.
Aniya, maghahatid ito ng real-time information tungkol sa iba’t-ibang proyekto pagdating sa physical at financial status nito, aktwal na lokasyon ng proyekto at maari ring magbigay ng feedback.
Binibigyan ng mata ang publiko sa mga proyekto sa kani-kanilang Local Government Units (LGUs) para matiyak na nagagamit ng wasto ang pondo ng gobyerno.
Maaring ma-access ang Subay-Bayan sa official website ng DILG: www.dilg.gov.ph.