Manila, Philippines – Inilunsad ng Department of National Defense (DND) ang ‘Balik Loob, Balik Pamilya: Paskong Kay Saya” Christmas campaign.
Ito ay bahagi ng Task Force Balik-loob program ng ahensya.
Ayon kay Defense Undersecretary Reynaldo Mapagu, chairperson ng task force – tampok sa Christmas campaign ang koleksyon ng mga video informercials, radio mini-dramas at mensahe para sa mga rebelde.
Hihikayatin nito ang mga rebeldeng na magbalik-loob na sa gobyerno at i-enjoy ang mga benepisyo ng Enhance Comprehensive Local Integration (E-Clip) at ang mas espesyal, ay ang makasama ang kanilang pamilya ngayong Pasko.
Ang E-Clip ay flagship program ng Duterte administration na nagsusulong ng social healing at national unity sa pamamagitan ng whole-of-nation approach.
Ang task force ay mayroong stand by fund na ₱405.6 million.
Sa datos ng DND, nasa 1,000 rebeldeng komunista na ang sumuko at inaasahang aakyat ito sa 1,700 pagdating ng susunod na taon.
Tantya naman ng AFP na mayroon pang 3,700 armed fighters ang CPP-NPA.