Manila, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na interesado na rin ang India na maging third player sa telecom industry sa bansa.
Ayon sa pangulo, siya mismo ang nag-imbita sa mga negosyante sa India na mamuhunan sa Pilipinas nang magkaroon siya ng official visit doon noong Enero.
Sinabi naman ni Dept. of Information and Communications Technology Usec. Eliseo Rio Jr., na wala pang pormal offer na ibinibigay ang India hinggil rito.
Gayunman, mainam aniya kung mas maraming kumpaniya ang magpahayag ng interes na maging third player.
Matatandaang makailang beses nang iginiit ng pangulo na kailangan ang third player para mabuwag ang duopoly sa telecom industry.
Target ng pangulo na maging operational na ang third player sa Marso.
Facebook Comments