Inimport na galunggong galing Vietnam at China parating na ngayong linggo

Magkakaroon na ng dagdag suplay ng isdang galunggong sa mga pamilihan sa mga susunod na araw.

Ito ay dahil darating na ang paunang 10,000 metric tons na galunggong na inangkat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR mula Vietnam at China.

Ayon kay Mr. Nazario Briguera, Chief Information Officer ng BFAR, ang mga pamilihang bayan muna sa Metro Manila ang unang babagsakan ng suplay ng galunggong dahil nandito ang malaking demand.


Sa kasalukuyan, umaabot sa 300 pesos ang bawat kilo ng galunggong at posible itong bumaba sa 150 pesos sa mga susunod na araw sakaling maikalat na sa merkado ang nasabing isda.

Bukod sa 10,000 metric tons na suplay ng galunggong, mayroon pang 35,000 metric tons na inaasahang darating sa bansa hanggang buwan ng Pebrero 2020.

Pinawi naman nito ang pangamba ng publiko kaugnay sa isyu na may halong kemikal ang pormalin ang galunggong na galing Vietnam at China.

Sabi ni Briguera, dadaan sa masusing pagsusuri o quarantine ang mga imported na galunggong kung kaya at nakatitiyak silang ligtas itong kainin.

Facebook Comments