Manila, Philippines – Inimpound ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang van na mayroong plakang 8 na para lamang sa mga kongresista.
Ayon kay Chief Supt. Roberto Fajardo, director ng PNP-HPG, nakumpiska ang Hyundai Starex sa domestic road sa Pasay City malapit sa Ninoy Aquino International Airport (naia).
Nang suriin aniya ay walang maiprisintang dokumento ang van kaya inimpound ito para sa beripikasyon at presentasyon ng kaukulang mga dokumento.
Una nang sinabi ni lto na wala ng inilabas na bagong number 8 protocol plates mula noong 16th congress.
Babala ni Fajardo, iligal na ang paggamit ng nasabing plaka kaya makukumpiska ang sasakyan at may multang P5,000.
Facebook Comments