Itinampok ni Miss Grand International 2025 Emma Tiglao ang isang gown na nag-aalab sa kulay kahel sa grand coronation night na ginanap noong Oktubre 18, 2025 sa Bangkok, Thailand.
Ang kasuotang ito ay disenyo ng internationally acclaimed fashion designer na si Rian Fernandez, na tubong Alcala, Pangasinan.
Inspirasyon ng kanyang likha ang imahe ng isang phoenix, sumasagisag sa muling pagbangon, lakas, at kagandahan, na makikita sa feather cape at detalyadong hand embroidery ng gown.
Muling pinatunayan ni Fernandez ang kanyang galing sa larangan ng fashion design, matapos maging bahagi ng mga winning looks sa iba’t ibang international pageants.
Sa entablado, umani ng papuri si Tiglao sa kanyang karisma at tindig na lalong pinatingkad ng naturang obra.
Ang naturang tagumpay ay nagbigay rin ng karangalan sa lalawigan ng Pangasinan sa larangan ng sining at disenyo.









