INIREKLAMO | Babae, nanganganib na makulong dahil sa panget na boses

United Kingdom – Boses-pusang nalulunod.

Ganito inilarawan ng mga kapitbahay ang pagkanta ng isang babae sa Norwich, United Kingdom nang magreklamo sila dahil sa tinig nito na nakakasama raw sa pakiramdam.

Una munang na-ban sa pagkanta ang 48-year-old na si Heather Webb ng dalawang taon ayon na rin sa inilabas na criminal behavior order ng lokal na korte noong December 2017.


Pero muli siyang inireklamo dahil hindi niya sinunod ang kautusan at tatlong beses pang lumabag kung saan nairecord pa ng kanyang kapitbahay ang masakit sa taingang pagkanta nito.

Matapos na mapatunayang guilty, agad na naglabas ang mga judge ng no-bail warrant of arrest laban kay Webb.

Facebook Comments