Ito ay kaugnay sa pag-ooperate ng mga lgus ng limay, bataan at tabaco city albay ng open dumpsite.
Kabilang sa mga sinampahan ay si dating Limay Bataan Mayor Lilver Roque, at Tabaco City, Albay Mayor Cielo Krisel Lagman-Luistro.
Maliban kay Roque, inireklamo din sina Romario Panangui, dating Municipal Planning and Development Officer, Randy Camacho, dating Municipal Environment and Natural Resources Officer at Engr. Danilo Quinto, Chief General Services Office.
Kasama naman na inireklamo sa ombudsman ni Lagman-Luistro ay si Reynold Martirez, City Environment and Natural Resources Officer.
Partikular na inihaing reklamo kina Roque at Lagman-Luistro ng pag-labag sa Section 37, in relation to Section 48 ng RA 9003 O Ecological Waste Management Act.