Inireklamo ng NBI sa DOJ si PCSO board member Sandra Cam at anim na iba pa ng murder at frustrated murder dahil sa pagpatay kay Batuan Vice Mayor Charlie Yuson III

247

Bukod kay Sandra Cam, sinampahan din ng reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anak nito na si Marco Martin Cam.

Nakatunggali sa 2019 mayoral election sa Batuan ng anak ng biktima na si Charmax Jan Yuson.


Kasama rin sa asunto sina Nelson Cambaya; Junel Gomez; Bradford Solis; Juanito De Luna; at Rigor Dela Cruz.

Ang Bise Alkalde ay pinagbabaril ng mga salarin sa Sampaloc, Maynila noong Oktubre ng nakaraang taon.

Una nang itinanggi ni Sandra Cam na may kinalaman siya sa pagpaslang kay Yuson.

Facebook Comments