Inireklamong Magkalaguyo na Naaktuhan ng Mister sa Motel, Pansamantalang Nakalaya

1893

Cauayan City, Isabela- Pansamantalang nakalaya ang magkaluguyong inireklamo ng isang mister matapos maaktuhan na magka-angkas at pumasok sa loob ng isang motel sa Lungsod ng Cauayan.

Nakalabas na ang dalawang magkalaguyo matapos ang dalawang gabing pagpapalipas ng gabi sa lock up cell ng Cauayan City Police Station at makapagpiyansa ang mga ito ng tig- Php36,000.00.

Gayunman, nahaharap pa rin sa kasong Adultery ang asawa ng mister at hinihintay na lamang kung kailan ito didinggin sa korte.

Una rito, sakay ang mister ng isang double cab vehicle kasama ang kanyang katrabaho nang aksidenteng makita nito ang kanyang asawa na sakay ng motorsiklo na minamaneho ng isang lalaki kaya’t sinundan nito ang dalawa hanggang sa pumasok ang mga ito sa isang kilalang motel.

Napag-alaman na ang kalaguyo ng misis ay isang security guard, 30 taong gulang at residente ng Brgy. Labinab sa nasabing lungsod.

September 29, 2020 nang masampahan ng mister ang misis nito na tubong Baggao, Cagayan na pansamantalang naninirahan sa bayan ng Cabatuan.

Facebook Comments