INIREKOMENDA | Deployment ban ng mga OFWs, iginiit ng isang kongresista na ipatupad din sa Saudi Arabia

Manila, Philippines – Inirekomenda ni House Committee on Women and Gender Equality Chairman Bernadette Herrera-Dy kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos din ang deployment ban ng mga OFWs sa Saudi Arabia.

Ito ay kasunod na rin ng pagkamatay ng isang Filipina OFW sa Madinah, Saudi Arabia dahil sa tinamong mga injuries sa ulo matapos na mahulog sa 6th floor ng apartment ng kanyang amo.

Giit ni Herrera-Dy, kung susundin lamang ng Pangulo ang kanyang prerogative tulad ng ginawa sa Kuwait ay maaari ding ipatupad muna ang OFWs deployment ban sa Saudi Arabia.


Marami din aniyang naitalang kaso ng mga pang-aabuso ng OFWs sa Saudi Arabia.

Nagpapatawag din ng congressional hearing in aid of legislation ang mambabatas upang talakayin ang kapakanan ng mga OFWs kasama ang mga government agencies na responsable dito, mga recruitment agencies at migrant workers` welfare groups.

Hiniling din ni Herrera-Dy ang agad na pag-apruba sa paglikha ng OFW department ngayong taon upang may iisang ahensya na lamang ang tututok sa karapatan, pangangailangan at mga problemang kinakaharap ng mga Filipino domestic workers.

Facebook Comments