INIREKOMENDA | Insentibo para sa mga guro, inihirit ni Senator Legarda

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda na maipaloob sa budget ng Department of Education sa taong 2019 ang insentibo para sa mga guro.

Nais ni Legarda na ipagkaloob ito sa mga guro kasabay ng selebrasyon ng World Teacher’s Day sa October 5.

Ayon kay Legarda, ito ay bilang pasasamalat sa malaking ambag ng mga guro sa ating lipunan lalo na sa paghubog sa karakter, husay at magandang kaugalian ng mga kabataang Pilipino sa kabila ng malaking hamon sa sistema ng edukasyon sa bansa.


Suportado din ni Legarda ang increase para sa chalk allowance ng mga guro.
Bukod dito ay iginiit din ni legarda sa Commission on Elections na hilingin sa Department of Budget and Management na tiyaking maisasama sa budget nito ang P1.5 billion na para sa honararium ng mga guro na magsisilbi sa eleksyon.

Facebook Comments