Manila, Philippines – Inirekomenda sa Kamara ang pagkakaroon ng guidelines sa media para sa pagco-cover sa Mababang Kapulungan.
Ayon kay Public Information Chairman at Eastern Samar Rep. Ben Evardone, ipina-a-adopt na noong nakaraang Linggo ang resolusyon na inihain ni Antipolo Rep. Chiqui Roa-Puno kaugnay sa pagtatakda ng guidelines sa pagco-cover ng mga reporters sa Kamara upang maisama na sa house media guidelines.
Pero, hindi muna ito itinuloy dahil kinakailangan na ikonsulta muna ito sa mga stakeholders pati na rin sa mga media na nagco-cover sa Kamara.
Nilinaw naman ni Evardone na hindi ilalatag ang guidelines para higpitan ang media sa Kamara kundi para ayusin ang sistema sa pagkuha ng balita.
Pero wala pa man ang media guidelines ay marami nang restrictions na inilatag tulad ng pagbabawal ng interview sa may lobby ng plenary hall.
Itinanggi naman ni Evardone na may mga reklamo sa media kaya maglalatag ng guidelines sa mga ito.