Manila, Philippines – Inirekomenda ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na bigyan ng maliit na pondo ang mga LGUs na hindi tumutupad sa anti-smoking laws.
Inaatasan ni Herrera-Dy ang Department of Budget and Management at Department of Interior and Local Government na gawing batayan ang anti-tobacco compliance ng mga LGUs at mga barangay sa ibibigay na alokasyon ng national government.
Giit ng kongresista, hindi na-oobliga ang mga LGUs na ipatupad ang batas laban sa paninigarilyo kaya mainam na hakbang na bawasan ang budget ng mga pasaway na LGUs upang sumunod sa anti-smoking laws.
Dapat aniyang magkaroon ng reporting system mula sa mga residente at i-dokumento ang mga sumusunod at mga lumalabag sa batas.
Partikular na pinatatapyasan ng pondo ni Herrera-Dy ang mga barangay na maraming naitalang mga tindahan na nagbebenta ng sigarilyo at iyong mga maraming nahuhuli na naninigarilyo sa mga non-smoking areas.
Pinasasama din ng mambabatas ang ‘vaping’ sa mga i-reregulate at ipagbabawal sa ilalim ng sa smoking ban.