Manila, Philippines – Inirekomenda ni 1-CARE Party-list Rep. Carlos Roman Uybarreta na isailalim sa mandatory drug testing ang mga mananalo sa Barangay at SK election.
Paliwanag ni Uybarreta, ito ay isa sa paraan para mabawasan ang mga adik na halal na opisyal salig na rin sa Republic Act 9165 Section 36(d).
Giit ng kongresista, bago mabigyan ng sweldo, Internal Revenue Allotment, at mga gamit sa opisina ang isang Barangay at SK officials dapat na matiyak na isailalim muna ang mga ito sa drug test.
Kailangan aniyang matiyak na mabuting ehemplo ang mga mahahalal ngayon sa botohang pambarangay at SK.
Samantala, random voluntary drug testing naman ang inirekomenda ni Kabayan Rep. Ron Salo para sa mga barangay officials sa buong bansa.
Kumbinsido rin ang mga mambabatas na hair sample drug testing ang gawin dahil ito ay mahirap dayain kumpara sa nakagawiang urine samples.