INIREKOMENDA | PNP, pinapakuha sa mga pulitiko ang mga security detail mula sa accredited security agency

Manila, Philippines – Suhestyon ngayon ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa mga pulitiko na kumuha ng security detail mula sa mga accredited security agency.

Ito ay bilang dagdag sa mga security detail na ibinibigay ng Police Security Protection Group lalot kung tingin nila ay may banta sa kanilang buhay.

Ayon kay Albayalde pinapayagan ng PNP ang pagdadagdag ng security escort.


Malaki kasi aniya ang maitutulong nito sa PNP dahil mas makakapag focus o maitutuon ng mga pulis ang kanilang trabaho sa law enforcement operation.

Ginawa ni Albayalde ang suhestyon matapos ang sunod sunod na pagpatay sa tatlong chief executives.

Facebook Comments