Manila, Philippines – Inirekomenda ni Kabayan Rep. Ciriaco Calalang na kumuha ng third party sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Aniya, ang third party ang mamagitan para mapahupa ang tensiyon, ayusin ang gusot at ibalik sa normal ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait.
Hindi dapat tuluyang isara ang pinto para sa pagbuo ng memorandum of understanding para sa proteksiyon ng mga OFWs sa Kuwait.
Nakiusap din si Calalang na tigilan na muna ang bangayan at batuhan ng sisi sa gitna ng problema sa relasyon ng dalawang bansa.
Paliwanag nito, ito ay para hindi na magatungan ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang panig na maaaring maglagay sa peligro sa mga natitira pang OFWs sa Kuwait.
Facebook Comments