INIREREKLAMONG BABUYAN SA LABRADOR, IPINASARA

Ipinasara ng lokal na Pamahalaan ng Labrador ang Isang babuyan sa bayan matapos ireklamo ng mga residente sa apat na barangay ang masangsang na amoy na nagmumula rito.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nagtapos na ang validity ng business permit ng korporasyon noong December 31,2024 gayundin ang Mayor’s Permit na agad binawi ng alkalde sa bisa ng Board Resolution No. 2024-12-15 na ipinatupad noong January 6.

Ang mga apektadong residente ay mula sa mga barangay ng Bongalon, Magsaysay, San Gonzalo at Bolo na mayroong pangamba sa banta nito sa kanilang kalusugan.

Hinikayat naman ng lokal na pamahalaan ang iba pang business establishments sa bayan na sumunod sa mga itinakdang regulasyon upang mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments