INIREREKLAMONG BABUYAN SA STA. BARBARA, PANSAMANTALANG ISASARA

Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Sta. Barbara ang pansamatalang pagpapasara sa isang babuyan sa Brgy. Balingueo upang isailalim sa rehabilitasyon.

Ayon sa anunsyo ng tanggapan, kinakailangang isaayos ang pasilidad upang matiyak na maayos ang magiging operasyon nito sa oras na mabuksan muli.

Samantala, ibinahagi naman ng ilang residente ang kagustuhan mapasara na nang tuluyan ang naturang babuyan at manukan dahil nakakabahala sa kalusugan ng mga residente ang mabahong amoy na nagmumula dito.

Dismayado ang ilang residente dahil 2017 pa umano unang nag-anunsyo ng rehabilitasyon ngunit hindi pa rin nasosolusyunan hanggang sa kasalukuyan.

Sa pinakahuling abiso ng barangay council, hindi na umano muling mag-ooperate ang babuyan ngunit magsisilbing bodega ng inumin bilang hakbang sa pagpapahalaga sa kalusugan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments