Nakatakdang tunguhin ng mga kawani ng City Engineering Office sa Dagupan ang inirereklamong drainage sa isang bahagi sa Magsaysay Fish Market sa lungsod.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa City Engineering Office, titignan at pag-aaralan ang binanggit na problema ng nasabing drainage upang mabigyan ito ng nararapat na solusyon.
Matatandaan na nagbahagi ng sentimyento ang ilang mga negosyante na nasa tapat mismo ng drainage kung saan naapektuhan umano ang kanilang kalusugan bunsod ng masangsang na amoy na nanggagaling dito.
Umaasa naman ang mga ito sa agarang at mabilis na solusyunan upang bumuti umano ang lagay ng kanilang kinaroroonan at hindi na rin mamroblema ang mga mamimili. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments