INIREREKLAMONG POULTRY FARM NA UMANO’Y SANHI NG SANDAMAKMAK NA LANGAW SA MALASIQUI, DUMEPENSA

Dumepensa ang caretaker ng inirereklamong poultry farm sa bayan ng Malasiqui ukol sa mga reklamong sila umano ang sanhi ng sandamakmak na langaw sa ilang barangay.

Ayon sa isang panayam sa caretaker nito, nagsasagawa sila umano ng mga pamamaraan upang hindi kumalat ang mga langaw at macontrol na nila sa loob pa lamang ng poultry.

Ang nasabing poultry farm kasi sa Aliaga ang itinuturo ng ilang residente sa nasabing barangay at katabi nitong Barangay na Malimpec.

Samantala, nakatakda namang tunguhin ng sanitary division ng RHU Malasiqui ang lugar upang matiyak na nagcocomply ang mga ito.

Panawagan ng mga apektadong residente at opisyal ng barangay na magawaan na ito ng paraan dahil ilang taon na umano nila itong pasanin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments