Manila, Philippines – Iginagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa motion for reconsideration ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Matatandaan na kanina ay 8-6 din ang naging botohan ng mga mahistrado ng Korte Suprema kung saan nanaig parin ang bilang ng mga mahistrado na nanindigan na dapat ay mapatalsik si Sereno bilang Chief Justice dahil sa quo warranto petition.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, inirerespeto ng Pangulo ang desisyon at ipatutupad ang desisyon na ito dahil ito ang kanyang tungkulin bilang chief executive.
Hinihingi lang aniya ni Pangulong Duterte ay magsama sama na muli ang mamamayan dahil malinaw ang desisyon ng Korte Suprema kahit maraming tumututol dito.
Sinabi ni Roque na sa demokrasya ay ang Korte Suprema ang final arbiter na kailangang sundin ang desisyon nito.
Final and executory na ang desisyon nito at good luck nalang aniya kay Sereno.