INIS NA RIN | Vice Ganda, naglabas ng saloobin tungkol sa problema sa MRT

Manila, Philippines – “G na G” (galit na galit) na rin ang comedian/host na si Vice Ganda dahil sa isyu ng sunod-sunod na aberya sa MRT.

Sa isang noontime show habang kausap ang kapawa host na si Anne Curtis, napunta ang usapan nila sa problema sa traffic sa Metro Manila.

Banat ng unkabogable star, ang laki ng ibinabayad niyang tax pero hindi man lang aniya mabago at mapaganda ang serbisyo ng MRT.


Kung magiging pangulo nga lang daw siya, isasara na niya ito at ipatitigil ang operasyon.

Ipasesemento daw niya ang riles at gagawin na lang park na malalakaran ng mga tao… tutal naman ay araw-araw ding naglalakad ang mga pasahero sa riles tuwing nasisira ang tren ng MRT.

Mungkahi naman ni Anne, gawin na lang skywalk ang MRT o kaya gawing maayos na bike lane.

Facebook Comments