*Cauayan City, Isabela*- Umabot na sa inisyal na apat (4) na milyong piso ang pinsala sa sektor ng agrikultura gaya ng pananim na mais at palaisdaan sa ilang lugar sa Isabela.
Ayon kay PDRRM Officer Basilio Dumlao, bunsod ito ng nararanasang pag uulan na dala ni Bagyong Ramon sa lalawigan kaya’t halos nasira ang mga pananim ng mga magsasaka sa ilang lugar sa Isabela.
Batay ito sa datos na ipinalabas ng tanggapan ng Provincial Agriculture.
Sa ngayon ay patuloy pa rin na naghahanda ang lalawigan sa paparating na Bagyong Sarah habang inaalam pa ang posibleng kabuuan ng pinsala sa probinsya.
Facebook Comments