CAUAYAN CITY- Tuluy-tuloy ang pagbibigay ng inisyal na bayad ng Lokal na Pamahalaan ng Echague sa mga magsasakang nag-papaupa ng kanilang sakahan sa bayan ng Echague, probinsya ng Isabela.
Kabilang sa mga napamahagian na barangay ay ang Garit Sur, Garit Norte, Malitao, Dammang East, Dammang West, Carulay, Saray, Tuguegarao, at Sinabbaran.
Ang proyektong ito ay bahagi ng Tobacco Project ng LGU Echague na naglalayong tulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatanim ng tabako sa kanilang mga lupain.
Samantala, matatandaang nagtaas ng sampung libong piso ang land rental mula P30,000 hanggang P40,000 upang mas mahikayat pa ang mga magsasaka na sumali sa programa.
Facebook Comments