Umaabot sa P265.3 million ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura ng Bagyong Agaton.
Base sa inilabas na ulat ng Department of Agriculture (DA), nasa 2,132 na magsasaka ang apektado sa Eastern Visayas at Caraga.
Abot 3,060 hectares na agricultural areas ang nasira ng bagyo at aabot naman sa 16,532 metric tons ang production loss.
Kabilang sa mga naapektuhan ay pananim na palay, mais, at high value crops.
Asahan pang tataas ang estimated production loss habang nagsasagawa pa ng validation ang DA-DRRM Operations Center.
Inihahanda naman ng DA ang tulong sa mga apektado.
Kabilang sa ipagkakaloob ay mga binhi ng palay at mais, mga gamot at biologics para sa mga alagaing hayop at poultry animals.
Maglalabas din ng pondo ang ahensiya para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar at pautang sa ilalim ng SURE-Aid program ng Agricultural Credit Policy Council.