Nakapagtala na ang Department of Agriculture (DA) ng halaga ng pinsalang idinulot ng Bagyong Lannie sa agrikultura.
Batay sa report ng DA-Disaster Risk Reduction Management (DRRMC) Operations Center, naitala sa 1.69-M ang inisyal na halaga ng pinsala partikular sa lalawigan ng Iloilo.
Abot sa 88-M metriko toneladang palay ang nasira sa 77 ektarya.
Ayon sa DA, asahang tataas pa ang halaga ng pinsala dahil pumapasok pa lamang ang mga ulat galing sa mga apektadong probinsya.
Tiniyak pa ng ahensya na makakatanggap ng ayuda ang mga apektadong magsasaka.
Facebook Comments