Nakapagtala na ang Department of Agriculture (DA) ng inisyal na ₱141.38 -M na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura matapos ang pananalasa ng Bagyong Karding.
Kabilang sa mga lugar na maapektuhan ay ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon at CALABARZON area.
Nasa 740 magsasaka ang naapektuhan habang nasa 16,229 ektarya ng agricultural areas ang sinalanta.
Nasa 5,886 metric tons naman ang naitalang production loss o nasirang produkto.
Kabilang sa affected commodities ang palay, mais at high value crops.
Ayon sa DA na asahan pa na madagdagan pa ang damage at losses ng agri-products habang tinatanggap pa ang mga ulat mula sa mga lugar na sinalanta ni “Karding”.
Facebook Comments