
Umabot sa P1 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala sa sunog na sumiklab sa Barangay Pleasant Hills, Mandaluyong City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula umano ang sunog sa second floor ng isang istruktura at umabot sa humigit-kumulang 4,000 square meters ang lawak ng kabahayang nadamay.
Wala namang naiulat na nasawi sa insidente, habang patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
Tinatayang 200 kabahayan ang naapektuhan, na nakaapekto sa mahigit 600 pamilya.
Sa kasalukuyan, pansamantalang tumutuloy ang mga apektadong residente sa mga evacuation center at basketball court, at nabigyan na sila ng paunang tulong mula sa lokal na pamahalaan.
Facebook Comments









