Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat simulan na ng pamahalaan ang paglilista sa mga inisyal na makakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 at budget para sa distribusyon nito.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na sa paraang ito ay magkakaroon ng maayos na vaccine distribution kapag naging available na ito sa Pilipinas.
Napansin ni Robredo na kawalan ng budget sa vaccine storage equipment.
Hinimok din niya ang mga kinauukulan na humingi ng karagdagang pondo para sa logistics.
Matatandaang inihayag ng Pfizer Inc. na 95% na epektibo ang kanilang COVID vaccine habang 94.5% na mabisa ang bakuna ng Moderna Inc.
Facebook Comments