INISYAL NA NATIVE HYDROGEN EXPLORATION BILANG ENERGY SOURCE SA PANGASINAN, NAKATAKDANG TALAKAYIN

Nakatakda pang talakayin sa Pamahalaang Panlalawigan at ilan pang sangay ng lokal na pamahalaan sa Pangasinan ang potensyal ng isinagawang inisyal na native hydrogen exploration bilang energy source.

Mula sa opisina ng League of Municipalities of the Philippines-Pangasinan Chapter President at Manaoag Mayor Jeremy Rosario, inilahad ng mga researcher mula sa Department of Energy (DOE) ang paunang resulta at plano hinggil sa native hydrogen exploration sa ilang bayan sa Pangasinan.

Tinalakay ng mga ito ang potensyal ng likas na hydrogen bilang malinis at sustenableng mapagkukunan ng enerhiya pati ang mga posibleng benepisyong pang-ekonomiya at pangkalikasan para sa mga host communities at sa buong lalawigan.

Ayon sa research team ng DOE, ipepresenta rin ang resulta sa Pamahalaang Panlalawigan upang matiyak ang maayos na koordinasyon ng proyekto.

Pinaniniwalaang ang hakbang na ito ay itinuturing na isang pauna ngunit mahalagang yugto para sa mas malinis, mas episyente, at mas napapanatiling pag-unlad ng sektor ng enerhiya sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments